PGA, nakatakdang magsagawa ng serye ng konsultasyon sa mga lokal na magsasaka at mangingisda na lubos na naapektohan ng El Niño sa Albay

LEGAZPI CITY – Nakatakdang magsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ng serye ng mga konsultasyon para sa mga magsasaka at mangingisda na lubos na naapektohan ng El Niño Phenomenon ng sa lalawigan ng Albay.

Ito ay kasunod ng isinagawang dalawang magkasunod na pamamahagi ng tulong panghanap-buhay o ang Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks, and Families, nito lamang nakalipas na linggo.

Ayon naman kay Provincial Agriculture and Fishery Council (PAFC) Chairperson Rene De Los Reyes, kaniyang hiningi ang partisipasyon ng mga magsasaka’t mangingisda pati na ng mga LGUs sa pag-o-organisa ng mga Barangay Agriculture and Fishery Council (BAFC).

Ayon kay De Los Reyes, magiging madali ang paggawa ng mga resolusyon at panawagan sa national government kung sa lebel ng mga barangay pa lamang ay mayroon ng boses ang mga nasa sektor ng pagsasaka’t pangisdaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *