Dalawang bagong government buildings, tinurn-over ng DPWH sa QC at San Juan City

Dalawang bagong fully-equipped government building ang tinurn-over ng Department fo Public Workd and Highways sa sa mga lokal na pamahalaan ng Quezon City at San Juan City.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan , ang mga bagong gusali na nagkakahalaga ng ng P186.76 milyon ay inaasahang magpapahusay sa serbisyo ng gobyerno sa Barangay Bagbag, Quezon City, at Barangay Little Baguio, San Juan City.

Matatandaan noong June 2024, tinurn-over din ng DPWH Quezon City First District Engineering Office ang bagong tatlong palapag na government center sa Barangay Bagbag.

Ang P28.52 milyon na ggusali ay kayang tumanggap ng humigit-kumulang isang daang tao nang sabay-sabay at may mga opisina na may comfort rooms, conference room, daycare area, pantry, at storage area.

Mayroon din itong parking space at driveway, multi-purpose area, roof deck, at lighting fixtures, air-conditioning system, at fire exit. (BRIGADA INTERN – JESSA QUIROZ)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *