Inihayag ng ilang Ukrainian officials na inilunsad ng Russia ang all-out assault sa Azovstal steelworks na sinasabing huling “holdout” ng Ukraine sa Mariupol City.

Ayon sa commander ng Azov regimen, patuloy na nakikipaggiyera ang Ukrainian forces mula nang inilunsad ng Russian forces ang pagpapaulan ng missile sa nasabing planta.
Kaugnay nito ay sinasabing nasakop na ng Russian forces ang “territory of the plant” matapos ang mga pag-atake.
Sinabi ni Azov Commander Denis Prokopenko na saludo siya sa kanyang mga sundalo na ginagawa ang lahat para mapigilan ang pag-pressure ng mga kalaban bagamat aminado siyang napakahirap ng kanilang sitwasyon sa ngayon.
Samantala, hindi naman makumpirna pa ng mga otoridad ang mga report na meron pang 200 sibilyan kabilang ang mga bata ang nagtatago sa loob ng planta