Hinihintay pa rin ng Department of Education (DEPED) Bicol ang magiging resulta ng Early Registration na isinagawa ng ibat ibang mga paaralan sa rehiyon Bicol upang malaman ang kakailanganin na silid aralan.
Ayon kay Mayflor Jumamil, ang Regional Spokesperson ng Deped Bicol, posibleng gamitin sa pagbubukas ng klase ang Temporary Learning System (TLS) ngayon school year kung sakaling kukulangin ito ng silid aralan ang mga paaralan.
Sa bilang ng early registration matutukoy kasi ng ahensya kung ilan ang porsyentong idinagdag na mag-aaral kung kayat makakagawa agad ng mas maaga pagpaplano upang hindi magkaroon ng problema sa pagbubukas ng klase.
Ang TLS ay ginagamit lamang ito kapag mayroong disaster, emergencies o immediate need sa pag aaral. Sinabi ng opisyal, mas nakatuon ngayon ang tanggapan sa pag-improved sa curriculum kaysa sa facilities ng mga paaralan.