Ibinahagi ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang mga plano para sa Season 47, na nakatakdang magbukas sa June 5.
Ayon kay commissioner Willie Marcial, ang bagong season ay magsisimula kasama ang Philippine Cup hanggang sa September 2 na susundan ng import-flavored Commissioner’s Cup mula October 2 hanggang January 25.

Samantala, ang season-ending Governors’ Cup naman ay itinakda sa February 1 hanggang sa May 10 at ang East Asia Super League (EASL), ay magsisimula sa kalagitnaan ng second conference.
Kabilang naman sa calendar ng liga ay ang All-Star festivities, out of town games, at isang out of the country match.
Maliban dito, isa sa mga highlights ng PBA ay ang posibilidad na magdagdag pa ng teams at gawin itong 14.