RSG Ph kampeon sa 2022 Mobile Legends: Bang Southeast Asia Cup

Nilampaso ng RSG Philippines ang RRQ Hoshi ng Indonesia sa finals ng 2022 Mobile Legends: Bang Southeast Asia Cup.

Sa pamamagitan ng 4-0 sweep kinoronahan ang MPL Philippines Season Nine champion bilang mga hari sa naturang torneyo na ginanap sa Malaysia International Trade and Exchange Center.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Nagtala ng come-from-behind win ang RSG PH sa Game 1 at 2 habang ipinakita naman nito sa Game 3 at 4 ang ‘pure domination’ kontra sa mga Indonesians.

Nabatid na bago ang sweep, unang tinalo ng RRQ Hoshi ang RSG sa unang paghaharap nito sa upper bracket finals.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Dahil sa panalo napalawig pa ng Pilipinas ang pamamayagpag sa MLBB matapos makuha ang ang anim na sunod-sunod na major titles katulad ng 2019 SEA Games, M2 World Championships, 2021 MSC, M3 World Championships, and 2021 SEA Games.