Nagrereklamo na ang mga stall owner sa Roxas Public Market sa Roxas Palawan dahil hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente sa pamilihan.
Ayun kay Ronie Larrosa, OIC ng Municipal Economic Enterprise and Development Office O MEEDO, NAkipag pulong na sila sa Paleco upang maibalik ang linya ng pamilihan.
Pero ayon sa Paleco ay kailangan muna linisin ang mga Poste ng Pamilihan na naapektuhan ng bagyong Odette noong Disyembre.
Dagdag ni Larrosa, humiling na sila sa Municipal Engineering Office upang malagyan ng Poste ang Pamilihan at malinis ang paglalagyan ng linya ng kuryente nito.
Handa na rin umano ang Paleco na isaayos ang daloy ng kuryente sa lugar kung malinis na ng Municipal engineering ang paglalagyan ng mga kable ng kuryente.