Inilagay sa Immigration Look-Out Bulletin Order si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque at ang 11 iba pa.
Ito ay dahil umano sa ugnayan ng mga ito sa ilegal na POGO incorporators at corporate officers na Lucky South 99 at Whirlwind Corporation na ni-raid kamakailan sa Porac, Pampanga.
Ang pagsailalim sa mga ito sa ILBO ay bilang kahandaan umano sa posibilidad na pag-alis ng mga indibidwal sa bansa, at maiwasan ang legal na mga proseso.
Samantala, sinagot naman ito ni Roque at sinabing kinokonsidera niya ang ILBO bilang ‘plain harassment.’
Binigyang-diin din nito na walang rason para umalis ng Pilipinas, at haharapin at sasagutin niya ang mga alegasyon kaugnay ang offshore gaming.