Mahaharap sa patong patong na reklamo ang dalawang magkapatid matapos arestuhin ng National Bureau of Investigation dahil sa online sexual exploitation.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, na inilalako umano ng mga suspek ang online sexual video ng kanilang mga anak sa mga dayuhan katumbas ng 15 US dollars.
Narescue naman mula sa kanilang mga magulang ang anim na menor de edad.
Muli namang nagpaalala naman si Santiago sa publiko na hindi dahilan ang kahirapan para babuyin ang mga anak.
Nanawagan din siya sa publiko na kung sakaling may ganitong nangyayari ay agad na ipagbigay alam sa ahensya at sila ay aaksyon.