Nangako ang Department of Education na palalakasin ang kanilang mental health program at pagagandahin ang seguridad sa mga paaralan kasunod ng insidente ng karahasan sa loob ng mga campus.
Ayon sa DepEd, hihingil nila ang tulong ng mga mental health experts at advocates para sa pagbuo ng mga programa.
Sa gitna nito, naniniwala ang ahensya na ang naturang mga pangyayari sa mga paaralan ay may kinalaman umano sa mental health issues.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte sa mga regional offices at division offices na makipag-ugnayan sa mga pulis para tukuyin ang mga paaralan na nangangailan ng spot inspections ng mga armas sa mga personnel at learners.
Una nito, isang 12-taong gulang na estudyante na anak ng isang pulis ang aksidente na baril-patay ang sarili gamit ang baril ng kanyang ama sa liib ng comfort room ng paaralan sa Bulacan, habang noong nakaraang linggo naman, isang 13-taong gulang na estudyante ng Culiat High School sa Quezon City ang nasawi matapos saksakin ng schoolmate sa loob ng kanilang campus.
