Robredo: Govt agencies, ‘di dapat masamain ang reports ng COA na kumukuwestiyon sa budget spending

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga ahensya ng gobyerno na huwag magalit o masamain ang reports ng Commission on Audit (COA) na kumukuwestiyon sa kanilang budget spending.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Robredo na dapat maging malinaw sa mga ahensya na ang mga prosesong ito at regulasyon ay nakalatag para matiyak na walang korapsyon, plunderers, at unnecessary expenses sa pamahalaan.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Giit ng pangalawang pangulo, binibigyan ng pagkakataon ang mga ahensyang ito na tumugon, linawin at pagandahin ang transparency sa kanilang sistema at proseso.

Mungkahi ng bise presidente, na kung lumabas ang naturang mga reports at audits, ay kailangang sagutin, dahil hindi lang ito obligasyon sa COA, kundi mas importante sa taumbayan.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Samantala, hinimok ni Robredo — na nakatanggap ang opisina ng pinakamataas na COA audit rating para sa third straight year noong 2020 — na ipagpatuloy ng mga state auditors ang kanilang magandang trabaho.