Binigyang diin ni House committee on public accounts chairman Representative Jose Bonito Singson Jr. na may basehan para tawagin ang paglipat ng Department of Health ng halos P42 billion na pondo sa Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) bilang ilegal.
Giit ni Singson, ang ‘transfer’ lang na usapiin ay kuwestiyunable na, improper na inappropriate.
Para sa mambabatas, posibleng may basehan ng illegality dahil ang DBM umano ay may sariling budget, ganun rin ang DOH.
Para sa public accounts chairman, ang naturang hakbang ay parang paglipat sa gampanin at responsibilidad, at malinaw na hindi dapat pinapayagan.
Matatandaan na sa pagdinig ng Kongreso, kinuwestiyon ang DOH kaugnay sa biglaang paglipat sa P42.4 billion halaga ng procurement sa DBM-PS sa kabila na ang mga health officials ay capable pa para sa pagsasagawa ng ilang procurement biddings. // MHEL PACIA-TRINIDAD
