Robi Domingo, humanga sa Korean culture

Humanga ang TV host at aktor na si Robi Domingo sa kultura sa Korea kung saan ay ibinibida at sinusuportahan ng mga tao doon ang mga lokal na produkto.

Sinabi ni Robi na dito sa Pilipinas ay meron rin naman sumusuporta sa mga produkto na gawang Pinoy.

Read More:  Ate Gay’s family announces wake and funeral details

Gayunman, gusto niya makita na balang araw ay maabot rin ng mga produktong Pinoy ang lebel na meron ang Korean products na na-appreciate sa buong mundo.

Bukod sa pagbibida ng mga Koreano sa mga sarili nilang produkto ay napansin rin ni Robi na responsable ang mga tao sa Korea pagdating sa sarili nilang mga kalat.

Read More:  John Arcilla calls for jail time for those behind dumping of 25 pet remains in Bulacan

Ayon sa TV host, umaasa siyang ma-apply din sa Pilipinas ang kalinisan sa Korea.

Mababatid na nagtungo si Robi sa Korea para sa variety show nito na “Aja! Aja Tayo sa Jeju”.