RIPER/Sabong on Air muling namayagpag sa 4-Cock

Namayagpag ang mga manok ng Sabong On Air/RIPER sa ginanap na HAGIBIS TV 4-Cock Derby na ginanap sa RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna noong Huwebes.

Hinirang bilang champion ang combined entry nina Ka Rex Cayanong at Richard Perez matapos itong umiskor ng malinis na apat na puntos.

Tinalo ng RIPER/Sabong On Air ang mga entry ng Gallmantis, Horizon, Team Tabuk Butchoy at B- Swing Daragasa.

Ito na ang ikalawang sunod na kampeonato nina Cayanong at Perez matapos ang WPC 6-Cock Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum noong nakaraang linggo.

Samantala, sa susunod na buwan June 16, ilalarga naman ang 6-Cock Derby Sabong On Air na bibitawan din sa ruweda ng RIPER Sports Cockpit.