Rider, patay matapos sumalpok sa truck ang minamanehong motor sa Tagkawayan, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamaneho nitong motor sa gulong ng truck sa Barangay San Vicente, Tagkawayan, Quezon nitong Huwebes, Mayo 23.

Ayon sa police report, sinubukan umanong mag-overtake ng motor na minamaneho ni alyas “Deomides” sa nasabing truck subalit may dumating na sasakyan galing sa opposite lane.

Samantala, sinubukan naman ng rider na maiwasan ang salpukan ngunit dahil sa sirang kalsada, nawalan ito ng kontrol at bumangga sa likurang gulong ng truck.

Isinugod sa hospital ang nasabing rider subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Sa ngayon, nagkasundo naman ang magkabilang panig sa mga usapin hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *