Naniniwala ang isang grupo na ‘underdiagnosed’, ‘o ‘di nade-detect ang lahat ng mga HIV cases sa bansa.
Una na kasing iniulat kahapon ni Health Secretary Ted Herbosa na aabot sa 55 cases ng HIV ang naitatala kada araw sa bansa.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Love Yourself Inc. Head of Programs and Innovations, Danvic Rosadiño na 60% lang ang nakakaalam na sila ay HIV positive.
Sa datos, 120,000 ang diagnosed na; pero sa pagtataya nila ay mayorong 180,000 na mga living with HIV sa Pilipinas.
Hinikayat din ni Rosadiño ang iba’t ibang ahensya ng Gobyerno na magkaroon ng mas komprehensibong pamamaraan para malabanan ang pagkalat ng HIV.
Dapat aniya ay mayroong whole-of-govenrment approach para rito, mula sa sapat na edukasyon sa paaralan, hanggang sa mga lugar ng pagta-trabaho.
Libre ang HIV Testing, pagamutan, at maging ang mga counseling.
Ang sino mang nais magpa-test ay maaaring sumangguni sa mga health centers, ‘o ‘di kaya’y sa mga tanggapan ng Love Yourself Inc. sa buong bansa.