Rep. Abante – ke-kuwestyunin sa SC ang Divorce Bill

Handa umanong kuwestiyonin ng ilang mambabatas sa Korte Suprema ang panukalang naglalayong magkaroon ng diborsyo sa Pilipinas.

Ito nga ay makaraang makalusot ang Absolute Divorce Bill sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa kamakalawa.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr, sinabi nitong ke-kuwestiyunin nila ang paraan sa deliberation ng panukala.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Matatandaaan kasing nagkaroon ng ‘rectification’ sa bilang ng mga bumoto pabor sa panukala mula sa 126 affirmative votes nang isalang ito sa plenaryo; pero kinabukasan ay naging 131 yes votes na.

Sabi ni Abante, sakali mang maging isang ganap na batas na ito ay handa siyang kuwestiyonin ang legalidad ng divorce sa Korte Suprema.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Kumpyansa rin daw siyang ‘di ito makalulusot sa Senado.
VC_ABANTE_SUPREME_COURT

Bago ito, una nang sinabi ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, ang may-akda ng panukala, na handa siya sa ano mang pag-kuwestyon sa constitutionality ng divorce bill.