Nagsisi ang isang rider na taga- Puerto Princesa matapos maloko ng ‘Fixer’ na nakilala niya online.
Ayon sa nagreklamo na si alyas ‘Alucard’, hinangad niya kasing mapadali ang pag-renew ng kanyang driver’s license pero ito pa pala ang magbibigay sa kanya ng problema.
Nitong ikalawang linggo ng buwan ng Mayo ay nakilala niya online ang Fixer at sila’y nagkasundo na aayusin ang kanyang lisensya.
Noong una ay hindi siya nagduda sa ka-transaksyon kahit hindi ito nakipag kita ng personal dahil nagpapadala ito ng mga larawan habang inaasikaso umano ang kanyang driver’s license sa Land Transportation Office.
Nakapag-bayad na ang biktima pero para daw mapadali ang pag-release ng lisensya ay humingi pa ito ng isang libong- piso maliban sa pinagkasundoan na 4, 000Php. Nang ipadala ni ‘Alucard’ ang 1k sa GCASH ay blinock na siya nito sa messenger.
Nais ni Alucard na magsilbing babala sa publiko ang kanyang naging karanasan.