Hindi na interisado si Senadora Cynthia Villar bilang susunod na Senate President ng 19th Congress.
Matatandaang si Villar ay isa sa mga top contenders na magiging lider ng Senado, kasama si Senador Migz Zubiri.
Sa ambush interview matapos ang pagharap nito sa pagdinig ng Commission on Appointments, sinabi ni Villar na pormal na nitong tinapos ang karera para sa pagka-SP.
Hindi na raw siya interisado rito at susuportahan na lamang niya si Zubiri bilang susunod na Senate President.
Napag-usapan na raw nila ito ni Zubiri nang nagharap sila sa CA hearing ngayong umaga.
Nais din ng Senadora na mamuhay na lang nang ‘simple’.
Bago ito, una pang napabalita na nag-alok si Villar ng ‘term-sharing’ o hatian ng pagka-SP sa pagitan nila ni Zubiri.
#