Banyaga na suspek sa pananakit sa tricycle driver, lumutang na pero ayaw mag-sorry

Lumutang at nagsalita na ang Russian National na inireklamo ng pananakit sa isang tricycle driver sa Puerto Princesa.

Ayon kay Andrei Umanskii sa panayam ng Brigada, hindi totoong sinuntok niya si Jeff Amora noong umaga ng May 24, 2022 at sa katunayan aniya ay siya pa ang inatake.

Para kay Andrei, siya ang nalagay sa alanganin noong mga panahon na ‘yun at hindi niya raw alam kung sino ang talagang umatake sa driver.

Bago mangyari ang lahat ay sumakay siya ng tricycle at nagbayad ng 100 pesos pero hindi raw ito tinanggap  ng driver hanggang sa nagkagulo.

Umaasa ito na may tetestigo rin para suportahan ang kanyang argumento na siya ang totoong nasuntok.

Igiiniit ni Andrei na wala siyang ginawang krimen sa bansa sa kabila ng mayroong pending case.

Pinanindigan ng banyaga na hindi siya hihingi ng tawad sa nagreklamo dahil wala umano siyang masamang ginawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *