Modified Palarong Bicol 2023 matagumpay ayon sa DepEd Bicol

Matagumpay sa kabuuan ang nagpapatuloy na Modified Palarong Bicol 2023, ito ang naging pahayag ni Department of Education Regional Director Gilbert Sadsad sa pakikipagpanayam ng Brigada News FM Sorsogon.

Ayon dito, sa kabila kasi ng ilang mga hindi inaasahang pangyayari ay maayos naman na tumatakbo ang aktibidad at wala namang naitatalang mga malalang problema.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Pagtitiyak nito, napapangalagaan ang kapakanan ng lahat ng mga atleta at delegado kung saan mayroon silang mga nakatalagang tauhan na nakaantabay sa mga maaaring mangyari lalo pa at hindi umano nila inaalis ang posibilidad na mayroong mga mahihimatay dahil sa mainit na panahon.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Sa huli sinabi nito na kung mayroon mang mga pangyayaring hindi nila inaasahan ay maayos naman nila itong natutugunan at nabibigyan ng solusyon.