Rider, magbebenta umano ng shabu; naaksidente- arestado

Agad na inaresto ng pulisya ang isang rider sa ospital matapos siyang maaksidente sa Barangay Tinitian, Roxas, Palawan nitong hapon ng Linggo, January 28.

Ang suspek ay si Gamaliel Dayagbil Aligada, 43-anyos, residente ng Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon kay PCapt. Jefferson Terbio ng Roxas PNP,  habang iniimbestigahan si Gamaliel ay nakitaan nila ito ng tatlong sachet ng suspected shabu (15.55 grams).

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Napag-alaman na mayroong transaksyon si Gamaliel sa Barangay Tinitian bago ito maaksidente.

Samantala, nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 habang kasalukuyan itong nagpapagaling sa mga sugat.