Rice Tarrification Law, inaasahang marerepaso na pagdating ng Agosto

Nangako at pumayag na umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsasabatas ng panukalang pag-amyenda sa Rice Tarrification Law ayon kay Senate Committee on Agriculture and Food chairperson Cynthia Villar.

Maliban pa roon, ibinahagi ni Villar na nakausap at nagkasundo na rin sila ng Kongreso hinggil dito.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Kaugnay nito, inaasahang marerepaso na ito pagdating ng Agosto.

Maalala, sa ilalim ng panukalang ito ayon kay Villar, muling ibibigay ang kapangyarihang pagbili at pagbenta ng bigas ngunit hindi sa National Food Authority (NFA) kundi sa Department of Agriculture (DA) na.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Anya, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng 35% na tarriff ay tiyak niya na mas marami ang maibibigay sa mga local farmers.