Direct flights sa pagitan ng Brunei, papuntang Cebu o Clark, pinag-aaralan na

Binigyang-diin ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na target ng administrasyon na gumawa ang direktang ruta sa iba’t ibang tourism destination sa bansa.

Kaugnay nito, tinitingnan umano ng bansa ang pagkakaroon ng direktang flights mula sa Bandar Seri Begawan patungo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, at hindi lang sa capital nitong Maynila.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Sa sideline ng Philippine Business Forum, sinabi ni Frasco na pinag-aaralan nila ang direktang biyahe mula sa Bandar Seri Begawan papuntang Cebu at Clark.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Ayon sa kalihim, makikipagtulungan sila sa Department of Transportation (DOTr) hinggil sa development ng naturang plano.

Samantala, nakikipag-usap na rin daw ang DOT sa local government unit ng Boracay para tugunan ang hiling ng mga ambassadors na magkaroon ng halal-friendly tourism sa lugar.