Liderato ng Kamara, ikinalugod ang pagtupad ng Department of Finance sa pagtapyas sa rice tariffs

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez si Finance Secretary Ralph Recto matapos isakatuparan ang kasunduan na tapyasan ang taripa sa bigas upang mapababa ang presyo nito.

Layon ng inisyatiba na tugunan ang tumataas na presyo ng bigas na dulot ng mga mapagsamantalang traders, epekto ng El Nino at mataas na global costs.

Noong nakaraang linggo ay nakipagpulong si Romualdez kay Recto kasama sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Customs Commissioner Bienvenido Rubio at House Committee on Appropriations Chairperson Elizaldy Co upang maglatag ng praktikal na solusyon upang maibsan ang bigat na pinapasan ng consumers habang tinitiyak ang patas na kompensasyon para sa local rice farmers.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Sinabi ni Romualdez na pansamantala nilang nakikita ang pagbabawas ng rice tariffs upang mapababa ang traders’ costs at makatulong na gawing abot-kaya ang bigas nang hindi nasisira ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Sa kabila ng planong tariff reduction, iginiit ng Speaker na patuloy na makatatanggap ng suporta ang mga magsasaka mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Batay sa datos ng DOF nitong Abril, pumalo na ang rice tariff collections sa 16 billion pesos na sapat na para sa 10-billion peso minimum requirement upang tulungan ang mga magsasaka sa ilalim ng RCEF.

Bukod dito, nanawagan si Romualdez na higpitan ang price controls sa retail market upang maiwasan ang manipulasyon at maprotektahan ang consumers.

Kaisa naman siya sa suhestyon ni Laurel na dalhin sa Kadiwa centers ang mga murang isda, manok at iba pang agricultural produce.