Umarangkada na ngayong araw ang Rice for all program ng Department of Agriculture sa apat na Kadiwa outlet sa Metro Manila kung saan ang publiko ay makabibili ng P45 na per kilo ng well milled rice.
Pinangunahan ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, ang pagbubukas ng programa sa Bureau fo Plant Industry sa Maynila.
Layon ng programa na magbenta ng mas murang presyo ng bigas upang matiyak na may makakain ang bawat pamilyang Pilipino.
Nanawagan naman si Agriculture Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra na bumili lamang para sa pangangailangan ng pamilya at huwag bumili ng marami para ibenta sa mas mahal na presyo.