HMO card para sa mga pulis, maibibigay na sa susunod na buwan ayon kay PNP Chief Marbil

Maibibigay na sa susunod na buwan ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang health maintenance organization card para sa bawat pulis.

Sa programa sa Kampo Crame kaugnay ng Pamilya ng Pulis PNP Family Day, sinabi ni Gen. Marbil na ang bawat health card ay naglalaman ng 40 thousand.

Maliit man ang katumbas na halaga, tiniyak niyang malaki ang maitutulong nito sa mga pulis.

Nauna nang sinabi ng PNP Chief na sisikapin niyang mabigyan ng libreng health card ang mga pulis lalong-lalo na ang mga nasa malalayong probinsiya.

Samantala, sinabi rin ni Marbil na bagamat direktiba niya ang pagde-deploy ng mas maraming pulis sa lansangan, ang kanilang oras sa trabaho ay dapat hanggang 8 oras lamang upang mas magkaroon ng mahabang panahon sa kanilang pamilya.

Sabi ng PNP Chief, kung masaya ang kanilang pamilya , masaya rin ang pagseserbisyo ng mga pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *