Reward system, laban sa mga nagpapapasok ng mga kontrabando, ipapatupad sa SoCot prov’l jail

KORONADAL CITY — IPAPATUPAD sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC ang reward system para sa mga jail guards na makakapag-bigay impormasyon ukol sa sinomang nasa likod ng pagpapapasok ng illegal na droga, mga cellphone at iba pang mga ipinagbabawal sa loob ng bilangguan.

Ito ang inihayag ni OIC Jail Warden Lory Celeste ng Provincial Jail ng South Cotabato sa nangyaring press conference ng Provincial Anti-Drug Abuse Council o PADAC.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Base umano sa kanilang imbestigasyon, may mga presong nagbabayad sa mga jail guards kapalit ng mga bagay na ipapapasok sa loob ng jail.

Upang makapasok ang illegal na droga, nasa P10,000 hanggang P30,000 umano ang bayad ng preso sa mga jail guards habang P3,000 hanggang P3,500 sa keypad na cellphone at P5,000 sa touch screen cellphone.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sinabi ni Celeste na handa itong magbigay ng P10,000 sa sinomang makakapag-report ng may kaugnayan sa pagpapapasok ng illegal na droga habag P5,000 naman sa cellphone.
Pinasiguro naman nito na may karampatang parusa ang sinomang mahuhuling nasa likod ng nasabing mga illegal na aktibidad sa provicial jail.