F2F classes, ‘best accompishment’ ni VP Duterte sa kanyang unang 100 araw sa puwesto

Inihahanda na ng Office of the Vice President ang kanyang ‘first 100 days report’.

Ayon kay VP and Educaiton Secretary Sara Duterte, isinasapinal na nila ang lalamanin ng ulat para sa ika-100 araw nito bilang Pangalawang Pangulo bukas, araw ng Biyernes.

Nakatakda ring magsumite ang DepEd ng report sa Office of the President para ilatag ang mga accomplishments ng Kagawaran.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Duterte na naniniwala itong ang pinakatagumpay ng DepEd ay ang panunumbalik ng face-to-face classes.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Giit nito, matapos ang pandemya – malaki ang naging benepisyo ng in-person classes dahil higit itong nakatutulong sa mga learners.

‘Marami ang studies na nagsasabi na mas malaki ang benepisyo para sa isang estudyante kung mayroon siyang in-person classes. Kaya napakahalaga na naibalik natin ang option na iyon sa ating mga eskwelahan na magconduct ng 5-day in-person classes’ ani Duterte.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kinontra naman ito ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.

Sa isang Tweet, sinabi niyang isang ‘joke’ ang pahayag ni Duterte dahil ang panunumbalik sa pre-pandemic learning conditions ay hindi dapat ituring na achievement.

Aniya, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang pinaka-huling nagpatupad ng face-to-face classes.

Resulta umano ito ng ‘lockdown-centric’ na pandemic response ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
#