Pagpasok ng mga rabbit sa Koronadal, hindi bawal ayon sa city vet!

KORONADAL CITY — NILINAW ngayon ni Dr. Charlemagne Calo, city veterinarian ng Koronadal na hindi kasama ang mga rabbit sa mga hayop na pinagbabawalan o hinihigpitang makapasok sa lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Calo, sinabi nito na malayang makaka-daan sa mga ASF o Animal Quarantine Checkpoint ang mga rabbit, buhay man, o kinatay, maging ang mga lechon rabbit dahil hindi kasama ang mga ito sa mga hayop na nagdadala ng nakakahawang sakit kagaya ng African Swine Fever o ASF sa mga baboy at Avian Influenza o bird flu sa mga manok o poultry products.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Una rito, inireklamo ng isang rabbit farmer mula sa Surallah, South Cotabato ang pagharang sa kanya ng mga personnel ng Animal Quarantine Checkpoint sa Barangay Paraiso, Koronadal dahil sa dala nitong tatlong lechon rabbit na idi-deliver sana sa Koronadal.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon sa reklamo, sinabihan umano ito ng isa sa mga nagbabantay sa nasabing checkpoint na iwan ang isa sa tatlong lechon rabbit na dala nito upang ilibing o ibalik na lamang sa Surallah ang dalang mga lechon.

Pinasiguro naman ni Calo na walang problema sa pagpasok ng mga rabbit sa Koronadal at ipapatawag umano nito ang personnel na sangkot sa insidente upang mapatawan ng kaukulang parusa kung kinakailangan.