Retired Pulis na nagpuslit ng baril sa Crame, iniimbestigahan na

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group kung mayroon pananagutan ang isang retired pulis na nasita dahil sa pagkakarga ng mga baril sa kanyang sasakyan papasok sa Kampo Crame , alas dos kahapon ng hapon.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Labinlimang baril na kinabibilangan ng 11 pistols at 4 na shotguns ang nakumpiska.

Ayon kay PNP Chief General Benjamin Acorda Jr.,
batay sa inisyal na pagsisiyasat ng firearms and explosives office, ang mga baril ay nakarehistro sa isang security agency.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Tinitingnan ngayon ng pulisya ang posibleng paglabag ng driver dahil sa pagdadala ng mga baril lalo pa’t umiiral ngayon ang gun ban.