Hontiveros: China – dapat singilin sa pinsala sa PH corals

Binigyang-diin ni Senadora Risa Hontiveros na hindi lang ito ang unang pagkakataon na nanawagan siya sa China na magbayad ng danyos dahil sa pang-aabuso nito sa West Philippine Sea.

Ayon kay Hontiveros, nauubos na ang marine life sa ating teritoryo dahil sa patung-patong na “coral destruction”, harvesting ng taklobo at reklamasyong ginagawa ng China.

Read More:  Marcos urges water conservation, home gardening ahead of Super El Niño

Kaugnay nito, binigyang-linaw niya na mayroon namang paraan upang ma-compute ang monetary value na dapat bayaran ng mga ito.

Katulad nalang ng ginawang pagbabayad ng Estados Unidos ng P87M dahil sa pinsalang naidulot ng pagsadsad ng barko ng US Navy sa Tubbataha reef.

Read More:  Padilla threatens to skip Duterte impeachment trial over Senate voting rule

Maalala, kamakailan ay nagbigay paalala si Maritime Expert, Jay Batongbacal na maaring magdulot sa pag-collapse ng sektor ng mga mangingisda ang patuloy na coral harvesting.