Kinikilalang Top 1 Most Wanted Person dahil sa kasong Estafa sa Cavite, arestado na

Bumagsak na sa ilalim ng Mendez Municipal Police Station ang kinikilalang top 1 most wanted person sa kasong Estafa sa Mendez, Cavite matapos ang isinagawang intelligence-driven operation.

Kinilala ni Mendez MPS Officer-in-Charge, Police Captain Norman Catsao ang suspek na si alias “Lyn” na residente ng Poblacion 6 ng nasabing lugar.

Matapos mahuli ay haharap ito sa kasong Estafa sa ilalim ng Art. 315 par. (B) ng Revised Penal Code.

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.