Restaurant sa Sweden, cement mixer ang ginagamit sa pag-gawa ng dressings at sauces

KAKAIBA ang isang restaurant sa Skane, Sweden, dahil imbes na karaniwang mga gamit sa paggawa ng dressings at sauces, cement mixer ang kanilang ginagamit para dito.

Ayon sa isang customer na nagreklamo, di umano’y mula sa kaniyang inorder na salad at kebab nakakuha siya ng isang screw.

Sa paliwanang ng manager hindi aniya nanggaling sa cement mixer ang screw na natagpuan ng customer bagkus ito ay nanggaling sa tongs na ginagamit nila sa paggawa ng salad.

Ngunit nang inilapit ng customer ang kanyang reklamo sa local council environment office, agad nagsagawa ng inspeksyon sa restaurant at doon napag-alaman na isang cement mixer pala ang ginagamit ng nasabing restaurant sa paggawa ng kanilang salad dressings at sauces.

Lalo pang higit na na alarma ang lahat dahil ayon pa sa inspector ang pintura ng mixer ay nababakbak na kaya posibleng ang mga pintura nito ay sumasama na sa kanilang pagkain.

Nang dahil sa pangyayare ang nabanggit na restaurant ay kakaharapin ang karampatang parusa para sa mga paglabag na kanilang nagawa.###CD