Resolusyong target imbestigahan ang landslide sa Davao De Oro, isinusulong

Ikinalungkot at ikinadismaya ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang naging pagguho ng lupa sa Maco, Davao De Oro.

Ito ay matapos nitong bawian ng buhay ang mahigit limampung kataong naninirahan doon habang pinaniniwalaang mayroon pang iilan na natabunan.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Legarda, dati pa lang ay idineklara ng ‘no build zone’ ang nasabing lugar, ibig sabihin bawal itong pagtayuan ng anumang bahay, establisyamento o gusali dahil malambot na ang lupa rito dala ng pagmimina.

Kung kaya’t maari umano sanang naiwasan ang trahedya kung sinunod lang ng bawat ahensya ng gobyerno ang geohazard mapping at batas pangkalikasan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kaugnay nito, planong isulong ni Legarda ang resolusyong naglalayong imbestigahan ang nangyaring landslide.

Ito ay ‘di para makahanap ng masisisi ngunit upang maiwasan itong mangyari muli.