NAGA CITY- Hindi puwede maging kampante dapat may paninindigan at suporta sa mga grupo at indibidwal na nag poprotekta sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Ito ang laman ng resolusyong naipasa sa konsehong Naga bilang pagsuporta sa Philippine Coast Guard , Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine Navy at iba pang nakakaramdam ng banta, gayundin ang pakikipag simpatya sa mga mangingisda na problemado at takot sa presensya ng mga barko ng China. Sa isang protesta sa Zambales tinutulan ng mga mangingisda ang Fishing Ban ng China.
Naipasa sa joint and collective motion ang resolusyon na pinangunahan ni Coun. General Omar Buenafe.
Mababatid na nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr. na hindi isusuko ng Pilipinas sa China ang karapatan sa West Philippine Sea. Sa pagbisita sa 21st Shangri-La Dialogue sa Singapore, matapang nitong sinabi na may legal na basehan Pilipinas, una na itong nagbabala sa China sa oras na lumala ang tensyon at may namatay na Pilipino roon.