Resolusyong naglalayong suspendihin ang PUVMP, para lang umano sa mga hindi pa nakakapag-comply

Nilinaw sa naging press conference ngayong araw ni Senate President Chiz Escudero na hindi para sa lahat ng mga operator at drayber ang itinutulak nilang Senate Resolution No. 1096.

Kung saan, layunin ng nasabing resolusyon na pansamantalang suspendihin ang implementasyon ng Public Transportation Modernization Program (PTMP) o mas kilala sa tawag dati na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Read More:  DOH allays public fears over hantavirus threat

Ayon kay Escudero, applicable lang ang kanilang inihaing resolusyon para sa mga hirap pang sumunod sa consolidation na nais ng Department of Transportation (DOTr).

Dagdag pa niya, ang suspensyong ito ay hindi parang tigil-bawi dahil isa lang itong paraan nila para sabihan ang DOTr na maghinay-hinay sa kanilang mga plano upang matiyak na magiging maayos ang pagpapatupad nito.

Read More:  No extension for COC filing in BARMM parliamentary elections — Comelec

Maalala, kamakailan nagsagawa ng unity walk ang ilang PRO-PUVMP transport groups laban sa resolusyong itinutulak sa Senado.