Resolusyon sa campaign rules, ililinya sa alert level na iniimplementa ng gobyerno – Comelec

Nagkasundo ang mga commissioners ng Commission on Elections na i-revisit ang resolusyon nito na naglalatag ng mga patakaran para sa pangangampanya sa 2022 elections sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kinumpirma ito ni Comelec Director Elaiza Sabile David sa ginawang briefing ng House suffrage electoral reforms committee nitong Miyerkules.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Sa gitna ng pagpupulong ay tinanong ni Bayan Muna party-list Representative Ferdinand Gaite kung magkakaroong ng pagbabago sa mga patakaran sa pangangampanya matapos ma-downgrade ang alert level status ng maraming lugar sa gitna ng pandemya.

Bilang sagot ay sinabi ni David na naaprubahan ang iminungkahi ni bagong Comelec commissioner George Garcia na reviewhin ang Resolution 10732 sa kanilang en banc meeting.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Ipinunto ni David na dapat ay nakalinya ang mga bagong guidelines sa umiiral na alert level na iniimplementa ng gobyerno.