Resignation ni VP Sara sa DepEd – tanda ng malasakit sa mga guro at mag-aaral

Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na magpapatuloy pa rin ang kanyang pagtataguyod ng de kalidad at nararapat na edukasyon para sa mga kabataang Pilipino sa kabila ng pagbibitiw bilang kalihim ng Department of Education.

Sa isang press conference sa tanggapan ng DepEd ngayong hapon, pormal na inanunsyo ni VP Sara ang resignation kung saan sinabi nitong anumang kuwento kahit gaano kaganda ay nagtatapos din.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Ang kanyang pagbibitiw sa puwesto ay hindi aniya lulan ng kahinaan kundi dala ng tunay na malasakit sa mga guro at kabataan.

Titindig umano siya para sa kapakanan ng bawat guro at mag-aaral sa bansa.

Inisa-isa rin ng bise-presidente ang accomplishments sa loob ng dalawang taon na kumuha ng inspirasyon sa resilience o katatagan.

Kabilang na rito ang improvement sa basic education curriculum kung saan naisakatuparan ang Kindergarten to Grade 10 o K to 10, pagpapabuti sa kalagayan ng mga mag-aaral, pagpapabilis sa konstruksyon ng imprastraktura at learning facilities at suporta sa pagpapaangat ng kalidad ng teachers.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ibinida pa ni VP Duterte na mahigit dalawang libong “last-mile” schools ang mayroon nang connectivity sa internet.

Nagpasalamat naman ang pangalawang pangulo sa local government units, private sector at iba pang stakeholders na nakatuwang ng DepEd para maisulong ang mga programa.