Residential house sa Goa, Camarines Sur, nilamon ng apoy dahil sa kidlat

CAMARINES SUR –  Walang nang naisalbang anumang gamit ang may-ari ng isang residential house sa gitna ng palayan sa Barangay Tagongtong, Goa, Camarines Sur matapos itong lamunin ng apoy dahil sa kidlat.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni FO1 Mari Peñafrancia Cortez, tagapagasalita ng Bureau of Fire Protection (BFP) Goa Fire Station, bandang alas 8 kagabi nang makarating sa kanila ang report. Hindi na napigilan pang kumalat ang apoy dahil sa makipot na daan at hindi na makapasok pa ang fire truck. Gawa rin sa light materials ang residensya. Wala ring nakapagresponde na mga residente dahil kahit ang mismong balon sa lugar ay may kaluyuan rin sa pinangyarihan ng insidente.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon
Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Wala pang naitatalang estimated damage ang BFP at maswerteng wala namang nasugatan sa pangyayari. Samantala, tinuturing naman na isang uri ng providential fire ang nangyari dahil tumama ang kidlat sa linya ng kuryente kung saan ito ay hindi na kontrolado ng BFP.  Gayunpaman, pinag-iingat pa rin nila ang publiko sa anumang sakuna.