Residente sa Pampanga, nagkaalipunga dahil lubog pa rin sa baha ang ilang lugar

Lubog sa baha ang ilang lugar sa Pampanga dahil walang maayos na lagusan ng tubig palabas, at dumagdag pa ang Gugo River dahil umaapaw ang tubig.

Kaugnay rito, nagkaalipunga na ang mga residente, at binigyan sila ng lokal na pamahalaan ng Pampanga ng gamot pang lunas.

Ayon kay Dr. Zenon Ponce, panatilihing malinis ang daliri sa paa, at hugasan itong mabuti.

Sa ngayon, baha pa rin ang ilang lugar sa Pampanga, at matatandaang ideneklara nitong Martes na nasa ilalim ng State of Calamity ang probinsya.