Kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil na ang pinagpulungan ni dating presidente Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos sa pagbisita nito kagabi ay ang pagkikita nito kay Chinese President Xi Jinping.
Bukod pa rito, pinagusapan rin ng dalawa ang mga ibang isyu ng bansa, ngunit hindi ito nilinaw ng kalihim.
Nagbigay raw ng pangaral at payo ang dating presidente ukol sa pamumuno nitong bilang punong ehekutibo.
Kasama sa pagpupulong ng dalawang Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr., dating executive secretary Salvador Medialdea, incumbent Executive Secretary Lucas Bersamin, National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., at Solicitor General Menardo Guevarra.
Matatandaang nakipagkita si dating pangulong Duterte kay Xi Jin Ping noong Hulyo sa China para pagusapan ang bilateral relations ng dalawang bansa.
