CAMARINES NORTE – Arestado sa pinagsanib pwersa ng mga otoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa at ika 7 sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Labo, Camarines Norte.
Naaresto ang suspek bandang alas 7:40 ng umaga nitong ika-1 ng Agosto 2023 sa Purok-1, Barangay Bagacay, Labo, Camarines Norte.
Kinilalang si alyas “CANOR”, ang suspek, 46 taong gulang, may-asawa, tricycle drayber at resident ng Purok-2, Barangay, Bulhao, Labo, Camarines Norte. Naaresto si alias CANOR sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong RAPE na ipinalabas ni Hon. Leo Intia, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 64, Labo, Camarines Norte sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 23-4583 at may petsang July 16, 2023 at walang rekomendadong piyansa.
Ayon sa report, buwan ng Pebrero, taong kasalukuyan nang gahasain ng suspek ang kanyang biktimang 29 anyos na babae sa bayan ng Labo. Samantala, ang nasabing akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.
