Resbakuna team tutunguhin ang mga malalayong barangay ng Mercedes ngayong araw para sa pagpapatuloy ng COVID- 19 vaccination

CAMARINES NORTE- Nakatakdang magtungo ngayong araw sa mga malalayong barangay ng Mercedes ang vaccination team mula sa Municipal Health Office para sa pagpapatuloy ng pagbabakuna kontra COVID- 19.

Ayon sa MHO Mercedes official facebook page magtutungo ngayong araw ang Resbakuna team sa mga barangay ng Lalawigan at Lanot.

Ang Lalawigan at Lanot ay ang mga dulong barangay sa naturang bayan na ilang beses na ring napuntahan para magbakuna.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa Huwebes naman ay ang islang Barangay ng Caringo ang pupuntahan ng vaccination team at may kasabay ring bakunahan sa Barangay 1 at Del Rosario.

Ang bakunahan ay para sa first dose kasama na ang pediatric population edad 5- 11 at 12- 17 gayundin ang adult vaccines para naman sa second dose at booster shot.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Hinihimok ng LGU ang mga residente sa nabanggit na barangay na huwag maniwala sa tsismis kaugnay sa bakuna.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang noong Marso 25, nasa 62 % na ng target population na  44, 341 ang nabakunahan kontra COVID- 19 sa naturang bayan.