LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol at ng Conservation and Development Division (CDD) ng isang Trade Fair ang “Yaman Gubat Trade Fair” upang gunitain ang 2022 International Day of Forests na ginanap sa Ayala Malls Legazpi.
Ayon kay DENR Regional Executive Director (RED) Francisco E. Milla, Jr., hindi lamang nakahighlight dito ang mga produkto at serbisyo na nakukuha mula sa kagubatan, kundi itinatampok ang synergy at partnership mula sa Ayala Malls at DTI BICOL upang palakasin ang pangangalaga ng kalikasan.
Dinaluhan din Department of Trade and Industry (DTI) Regional Director Rodrigo Aguilar sa pagbubukas ng Trade Fair, aniya lubos na sumusuporta sa lahat ng mga programa at aktibidad ng DENR, partikular sa pagpapalakas ng kabuhayan ng komunidad.
Itinampok din ang mga storage box, basket, at tsinelas na gawa sa Abaca fibers, pati na rin ang mga bag at banig na gawa sa Karagumoy mula sa (16) DTI-accredited Micro, Small, Medium, and Medium Enterprises (MSMEs) at DENR-accredited People’s Organizations mula sa buong rehiyon.