Requirements para sa tricycle franchise application sa Koronadal, inilabas na

KORONADAL CITY – INILABAS na ang mga dukumentong kinakailangang i-comply ng mga nais mag-aplay ng prangkisa at makatatanggap ng Motorized Tricycle Operators Permit (MTOP) sa lungsod ng Koronadal.

Ito ang batay sa Ordinance Number 29 series of 2021 na nagpapahintulot sa pagbukas ng mahigit 3 libong mga prangkisa sa tricycle sa lungsod. Ilan sa mga kaialangan sa pag-aplay ang renewed certificate of registration (CR), official receipt (OR) mula sa Land Transportation Office (LTO) Koronadal District na nagpapatunay na ang unit ang nakarehistro na isang private motorcycle with side car, bago pa man ang December 31, 2020.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Kailangan din ang voter’s certification mula sa COMELEC bilang patunay na ang aplikante ang residente ng Koronadal. Kailangan din ang isa sa mga government-issued ID kagaya ng hindi expired na driver’s license, voter’s ID, recent na occupational tax ID, passport na hindi expired, national ID, GSIS, o SSS ID, TIN, PRC o IBP, OFW ID, Senior Citizen’s ID , at Postal ID.

Kalakip naman sa mga secondary requirements matapos mapasa ang mga initial requirements ang 2 kopya ng kumpleto na application form, 2 kopya ng voter’s certification, 2 kopya ng OR at CR ng motor with side car mula sa LTO Koronadal District.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

2 kopya ng sketch kung saan matatagpuan ang garahe at picture nito kung saan nakagarahe din ang tricycle. 2 kopya ng barangay clearance, common carriers insurance, 1 kopya ng picture ng unit ng motorsiklo na may side car kasama na dito ang front, back,at side view.

Isang kopya ng proof of residence kagaya ng telephone, water, at electricity bill, credit card at bank statements. Kung nakatira naman ang isang aplikante sa kanyang pamilya o nagrerenta, kinakailangan namang ng patunay sa relasyon nito sa kanyang tinitirhan o nirirentahan kagaya na lamang ng marriage license, birth certificate, at lease of contract.