NCR nasa ‘severe outbreak’ ng COVID-19 ayon sa OCTA research

Naitala ng National Capital Region ang 89.42 percent na COVID-19 average daily attack rate (ADAR) ayon sa datus ng OCTA research group.

Dahil dito maituturing na umanong nasa ‘severe outbreak’ ng COVID-19 ang Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David mula sa dating 12.71 na ADAR noong December 28, 2021 hangang January 3, 2022 bigla itong sumpia sa 89.42% nitong Enero 4 hangang Enero 10.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Naiulat din ng OCTA ang pagtaas sa seven-day positivity rate sa capital region na ngayon ay nasa 48% na.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Inihayag naman ni David na nagkaroon ng bahagyang pagbaba ng reproduction number sa 5.22 mula sa dating 5.65.

Napansin din ng grupo ang pagtaas ng healthcare utilization rate sa 57% ngayong linggo mula sa dating 27 percent.