Requirements na dapat dalhin ng mga aplikante sa scholarship program ng Provincial Government sa pagkuha ng certificate of tax exemption ipinaalala ng BIR

CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang BIR- Revenue District Office No 64 sa mga aplikante ng scholarship program ng Provincial Government hinggil sa mga requirement na dapat dalhin sa opisina sa pagkuha ng certificate of tax exemption.

Ito ay upang iwas dagdag na abala at maproseso agad ang request.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet ipinaalala ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon na sa pagkuha ng certificate of tax exemption ay kailangan ang Barangay certification, letter request for tax exemption at sworn affidavit na mayroon namang available sa BIR.

 “Yung mga requirements po sa pagkuha ng tax exemption unang una, barangay certification, stating ang pangalan ng magulang kung anong source ng income at magkano yun sa loob ng isang taon, so gagawa tayo ng letter request for tax exemption, ilagay kung saan gagamitin and then may sworn affidavit po na meron naman tayo ditong available para ipa notaryo natin and then dapat po kapag ang scholar po, ang applicant is 22 years and above sa pangalan na niya kukunin kasi sa atin legal age na yun, so pangalan na nila yung mga requirements dapat nakalaga,y pero pag minor below 22 sa pangalan ng magulang,” ani De Leon.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Mayroong babayarang P100 para sa certification fee at tatlong pirasong documentary stamp.

Magkakaroon din umano ng screening ang BIR upang malaman kung ang nagre- request ay pwedeng mabigyan ng certificate of tax exemption.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ganito rin umano ang requirements sa pag request ng certificate of tax exemption sa iba pang mga scholarship program hindi lang sa CNPGCEAP.

“Pauna na rin natin in case po yung magulang ay may, talagang may income, source of income may negosyo, empleado dapat po hindi na kayo, huwag kayong pumunta na dito kasi makikita po sa system na may income kayo so hindi po namin mabibigyan yan ng certificate for tax exemption, kaya yung daming pilang yan ini- screen pa rin po namin yan dito bago namin pinapayagan.”