CAMARINES NORTE – Dinagsa ng mga aplikante sa scholarship program ng Provincial Government ang opisina ng Bureau of Internal Revenue sa bayan ng Talisay kahapon para kumuha ng certificate of tax exemption na isa sa mga requirements ng programa.
Sa sobrang dami ng tao, madilim- dilim pa ay mahaba at siksikan na ang pila sa loob at labas ng opisina hanggang sa kalsada.
Sa katunayan napalibutan na ang opisina ng BIR ng CNPGCEAP passers bukod pa sa ibang mga taxpayer na mayroon ding transakyon.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon na hindi lang ito nangyari kahapon, kundi simula pa umano noong Lunes ay dagsa na ang mga tao sa kanilang opisina ng mga kukuha ng certificate for tax exemption.
Nagkaroon din kasi ng kalituhan sa naunang announcement ng Provincial Government dahil ang nakalagay ay huling araw na kahapon ng pagsusumite ng requirements para makapasok sa scholarship.
Nakasaad din dito na hindi tatanggapin ang incomplete requirements bagay na nilinaw na rin daw ng kapitolyo sa BIR.
“Parang hindi lang, mali lang yung interpretation ang announcement nila may due date nga na nakalagay November 9- 11 pero hindi po gustong sabihin na due date pag submit nitong certificate for tax exemption, wala pa daw po silang sine- set na date kaya mabuti na rin na verify namin para naman hindi kami mag worry nang siyempre baka makarinig kami magalit sa amin kung hindi naming sila ma- cater,” ani De Leon.
Aminado si De Leon na sa sobrang dami ng mga humihingi ng certificate of tax exemption ay hindi nila ito kayang i- accommodate lahat sa loob ng isang araw.
Ang kaya lang umano nilang i- accommodate ay ahanggang tatlongdaang katao
Samantala, nagpalabas naman ng paglilinaw ang Provincial Government hinggil sa nangyaring kalituhan.
Batay sa anunsiyo sa facebook page ng Community Affairs Office, ipinapaalam sa 2022 CNPGCEAP Passers at kanilang mga magulang at kapamilya na hindi kahapon araw ng Biyernes, November 11 ang huling araw ng pagsusumite ng requirements sa Kapitolyo Probinsyal.
Ginawa ang paglilinaw bunsod ng naging kalituhan na nakalagay sa pinakaunang anunsiyo na may mga katagang “SUCCEEDING schedules and venue will be announced SOON.”
Ang susunod na mga schedule ay sa Nobyembre 14-18 at Nobyembre 21-25, 2022 simula ika-10 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
Agad umanong ipapaalam ang venue para sa Evaluation and Admittance of Requirements ng New CNPGCEAP 2022 Passers.
