CAMARINES NORTE- Ipinatawag ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes sa pamamagitan ng Mercedes Fisherfolk Village Council (MFVC) ang lahat ng kwalipikado at target beneficiaries ng resettlement project sa isang pagpupulong na ginanap kamakalawa.
Dinaluhan ito ng 34 na actual occupants at 57 iba pang target and aspring beneficiaries.
Tinakalay sa naturang pagpupulong na pinangunahan ni Housing, Land & Resettlement Assistant Rey Pajarillo ang guidelines, terms and conditions, sa naturang proyekto.
Dito ay ipinaunawa ni Pajarillo ang mga polisiya, at pinakinggan ang ilang hinaing, sentimyento, at mga katanungan ng mga dumalo.
Batay naman sa mensahe ni Coun. Noel Ong na siyang kinatawan ni Mayor Alex Pajariilo, sinisikap umano ng LGU na gawing maayos, organisado at mas mapabilis ang pagproseso ng mga kwalipikadong benipisyaryo ng resettlement and housing program.
Dumalo ang 34 na actual occupants at 57 iba pang target and aspring beneficiaries.
Kinunan naman ng Municipal Assessor’s Office ng update o latest profile ang mga kasalukuyang naninirahan sa pamamagitan ng pag fill- up sa mga form na inihanda ng nabanggit na opisina.
Magpapatawag pa ulit ng pagpupulong sa mga susunod na pagkakataon upang mas mabigyan pang linaw ang ilang mga usapin patungkol sa nabanggit na proyekto.
(Photo: Mayor Alex FB)
